Ang Tatay sa Panahon ng Covid-19

Higit kailanman man ngayon ka kailangan
ngayong lumulukob ang imbing kadiliman
bigwas na unos sa buong sambayanan
ginagamit ang covid sa paghahari-harian.

Talino’y gamitin at ‘yong pakasuriin
ang likod ng pandemya at tunay na usapin
ang katotohanan ay matiyagang tuklasin
pagka’t maraming tanong ang dapat na sagutin.

Bakit ang pananakot palaging labis-labis?
Kung halos lahat naman ay di nagkakasakit
kahit pa positibo ang resulta sa “test kit”
marami sa namatay di naman dahil covid.

Bakit ganun na lang ang tulak sa bakuna?
Gayong sa ebidensya’y mas nakasasama pa
at ang bisa nito lubhang kaduda-duda
pagka’t ang nagsasabi yaon ding nagbebenta!

Bakit bakuna lang ang ipinagpipilitan?
Ito lang daw ang sagot upang pandemya’y wakasan
gayong may mas mainam na solusyong makatwiran
at nagpapalakas pa, resistansya ng katawan.

Bakit murang gamot tulad ng aybermektin
na ligtas at mabisa para sa Covid-19
malinaw ang patunay, nakabatay sa siyensya
ay bina-balewala, ipinagbabawal pa?

Bakit nadidiktahan ng mga korporasyon
ang mga gobyerno at mga institusyon
pati na mga midya at ang mga “eksperto”
lahat ay kontrolado pati WHO?

Bakit ang mga reserts at mga opinyon
ng mga batikang doktor at mga siyentista
na di nakatali sa monopolyong Big Pharma
sinusupil, sinesensor, agad na binubura?

Bakit walang pakundangan ang may kapangyarihan
malawakang paglabag sa pantaong karapatan
malapasistang lockdown, animo’y batas militar
lalo pang isinubsob ang kawawang sambayanan?

Bakit pati mga bata nais nilang bakunahan
gayong ang Covid-19 sa bata’y parang sipon lang
samantalang ang bakuna dala-dala ay disgrasya
hindi na sila natuto sa nangyari sa Dengvaxia?

Ang mga tanong na ito, sagutin mo kaibigan
tuklasin mo ang totoo , iwaksi ang panlilinlang
bilang ama ng tahanan, gabay ng kinabukasan
nakasalalay sa landas na iyong pagpapasyahan.

Sa araw na ito, araw ng mga tatay
nawa’y gabayan ka ng liwanag ng paham
manatiling matatag sa ‘yong paninindigan
kaisa sa pagkilos ng mulat na sambayanan!

                 ---000---

Arkyu-061921

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: